"Hindi ako tulad ng iba, wag kang magalala. Hindi kita aabalahin habang nagaaral ka pa." Kung tunay na pag-ibg lang din ang paguusapan, sacrificial love ang totoo. Iniisip mo yun kapakanan ng taong minamahal mo kesa sa nararamdaman mo.
"Dahil mahal kita, hindi muna kita aabalahin ng nararamdaman ko. Hahayaan lang kitang mag-aral"
Hindi ka kasi takot na baka maagaw siya ng iba habang naghihintay ka. Kasi alam mo at naniniwala kang kung kayo talaga magkakaroon at magkakaroon ng tamanag panahon para magtagpo kayong dalawa. Uso kasi sa panahon natin ngayon basta mahal (puppy love) daw, eh banat ng banat kahit totoy at nene pa. O kaya naman wala pa namam talaga sa priority ang pagpasok sa relasyon puro yun na agad ang inaatupag.
"Inspirasyon" daw kasi. Yung mga magulang mo ba hindi ba pwedeng sila yung inspirasyon mo? Yung kinabukasan mo? Hindi ba sapat na inspirasyon yun? Puro opposite sex lang ba o romance lang ang pwedeng gawing inspirasyon?
Kung lalawakan natin ang isip natin at makikinig sa mga matatanda (hindi dahil sa lagi silang tama, pero dahil marami silang alam sa pagkakamale) giginhawa buhay natin at makakaiwas tayo sa masalimuot na pakikipagrelasyon bunga na din ng hindi pagiging handa o immaturity sa paghandle ng relationship. Sapat na yung pagkakamali ng iba. Hindi na natin kailangan ulitin pa yung ginawa nila para lang umabot pa sa punto na sabihin nating "tama nga pala sila" kung kelan nasayang na ang oras at luha natin sa mga sayang na pakikipagrelasyon.
Comments
Post a Comment