Skip to main content

Mga Dahilan Kung Bakit Single at Pano Ba To I-handle

October 31 na, malapit na naman ang Pasko, marami na namang maghhashtag SMP o magppost na kasama siya sa SMP o samahan ng malalamig ang Pasko. Marami tayong pwedeng makitang mga dahilan kung bakit single ang isang tao, at karamihan sa mga dahilan na to ang nagtutulak sa kanila na pumasok na lang basta sa relasyon na umaasa na mareresolba ng pakikipagrelasyon ang mga masasabi nating kakulangan nila. Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit single ang isang tao at samahan niyo ko na ipakita yung mga tamang solusyon dito na karamihan ay hindi pagpasok sa relasyon ang sagot:

1. Pangit kasi ako, maitim o mataba (Physical Appearance)
Wala kasing nagkakagusto sakin, wala kasing nanliligaw sakin, walang nagpaparamdam, hindi nila ko type o kaya naman walang sumasagot sakin, lagi akong basted, walang gustong pumatol sakin, lahat ng ng negatibo na naisip ng isang tao tungkol sa sarile nasabi na. Ang itim ko kasi, kaya ang daming nagpapaputi ngayon. Ang taba, ang payat, at pandak, kaya madaming pumapatol sa pampapayat, pampataba, pampa-sexy, pampatangkad at kung ano ano pa.

Madaming kung ano-anong products ang mga sinusubukan kahit minsan napapahamak na sa mga tina-try na kung ano-ano. Ang mga Pinoy pa naman mahilig sa mga kakaiba, nahihilig sa mga mumurahin at mabilisang mga products na pampagwapo o pampaganda. Todo effort, para lang matanggap o minsan nagbabakasakaling may maakit at tanggapin at mahalin sila.

Pero ano ba talaga ang tama? o mas magandang paraan? Ang sagot diyan "Kung mahal ka tatanggapin ka, kahit ano pa itsura mo." Wala naman talaga yan sa itsura, kung minsan pa nga kapag nagustuhan ka lang dahil sa pisikal iniiwan lang kapag nakakita ng mas maganda. Kung gusto mo ng mga example, napakadami, kahit magsearh ka pa sa internet. Meron nga tayong mga nakikita sa FB na masasabi nating parang hindi makatarungan yung relasyon, na minsan nasasabi pa nating parang "Beauty and the Beast" kasi nga hindi lang basta sa pisikal nagkakatalo, nasa pagkatao.

Pwedeng lamang nga ang ibang tao sa pisikal nilang anyo pero kung titingnan naman natin sa ibang aspeto ng pagkatao natin lamang naman tayo sa kanila which brings us sa sagot sa pangalawang common reason na "Learn to Appreciate Yourself".

2. Walang nagmamahal sakin

Wala daw nagmamahal sa kanya. Actually madali lang sagutin tong problema na to, itatanong mo lang sa sarili mo na "Wala nga bang nagmamahal saken?" tapos maging honest lang sa sagot. Kung may pamilya ka pa of course mahal ka nila pero kung mukang hindi naman meron ka namang mga kaibigan at kung hindi pa din sigurado meron ka namang mga secret admirer at kung palagay mo walang wala pa din talaga, meron eto sigurado ako mahal ka talaga si Jesus. Yeah, yeah, yeah, religious pala to, pero sa mga taong hopeless na talaga dun pa lang nila makikita na may Diyos pala talaga and He cares for you and me. Dun pa lang solve ka na, kahit hindi ka na maggf/bf, solve ka na sa pagmamahal Niya. Eto din sagot sa 1 and 2 na verse galing sa Bible sa Psalm o Mga Awit 139:14: "I will praise thee; for I am fearfully and wonderfully made: marvellous are thy works; and that my soul knoweth right well.". Sa verse na yan sinasabi na ginawa tayo ng Diyos na the Best kahit sino pa tayo, walang sinomang tao ang pwedeng masabi satin na wala tayong kwenta at hindi tayo deserving mahalin.

3. Iniwan ng Forever (Break Up)
Okay dito naman tayo sa madramang reason, Iniwan ng Forever. Simulan natin sa mga katagang "Luge sila sa pagiwan sayo." kung wala kang ginawang kalokohan pero kung meron aba'y dapat lang. Kapag iniwan ka ng forever (forever means gf/bf, sa mga panahon kasi na to eto yung kilalang term) mo kasi may nakita ng iba at wala ka namang ginawang masama wag kang mag-alala siya ang nawalan hindi ikaw. Nawalan ka din siguro, nawalan ng sakit ng ulo. Kung iniwan ka naman dahil sa ginawa mong kalokohan, nambabae o may ibang lalake, o masyadong mahigpit, nananakal, o ano pa man baka hindi ka pa talaga ready sa relationship. Gamitin na lang yung panahon na single para maging ready ka sa mga aspeto na inayawan sayo ng naging gf/bf mo.

4. Iniwan ang Forever (Break Up)
Iniwan ang Forever, ikaw ang nakipagbreak. Nakapaloob sa dalawang category ang dahilan kaya nakipag break una ay may ginawang kalokohan yung partner mo at pangalawa mas pinili mong maging single para sa mas ikakabuti mo, pamilya mo, o para sa ibang tao, para sa Diyos o para sa inyong dalawa. Kung iniwan mo bf/gf mo dahil may mali siyang ginawa, baka hindi pa talaga siya handa para sayo o hindi talaga siya yung tao na para sayo. Doon naman sa pangalawang category na para sa ika-bubuti ay masasabi kong mas nakakaunawa ka na ng sitwasyon dito dahil nagawa mong ipagpalit yung relasyon ninyo o ipagpaliban muna para sa mas mahalagang priority ng buhay mo. Susuportahan kita sa desisyon mo na yan kung iyan ang mas makakabuti.


5. Hindi Pa Nakikita or Waiting pa sa Forever
Lastly, hindi pa nakikita o waiting pa sa Forever. Kung napansin niyo naka-level yung mga reasons natin sa level ng maturity ng isang tao at dito nga sa huling dahilan natin nasa paghihintay tayo. Mahirap maghintay, mahirap magabang, kaya marami sa panahon natin ngayon ang instant. Instant noodles, instant message, instant answers, instant food, instant money kaya minsan instant death at eto nga minsan gusto natin ng instant relationship. Gusto ko lang i-quote yung kasabihan na nalaman ko pa mula sa kabundukan ng Mindoro na "Hinog sa Pilit, kung kaini'y mapait", na applicable sa lahat ng bagay.

Kung nasa waiting stage ka ngayon, maraming struggles dyan lalo na yung mga taong nagpapabigat ng paghihintay mo na sabi ng sabi na magbf ka na, maggf ka na. Hindi masama na itaas ang standard in fact mas maganda talaga na itaas ang standard hindi yung kung sino na lang yung dumating o kung sino na lang maisipan, mahihirapan ka nga lang, pero sa kabila ng paghihirap mo nandun naman yung kasiyahan kapag dumating na yung hinihintay mo. Maraming pumapalpak dito sa paghihintay at maraming sumusuko, pero dahil nandito ka stage na to gusto kong sabihin na nasa tamang landas ka at kung alam mo na yan saludo ako sayo dahil bihira ang tumatagal sa paghihintay.

Iba Pa
May mga hindi pa siguro ako naisama sa topic na to, kaya willing ako na makinig sa comments and suggestions ninyo at sasagutin natin.

Mahirap maging single pero kung alam mo kung bakit ka single, mas madaling magstay single. Kaya ano nga ba ang pinaka-magandang dahilan kung bakit single ang isang tao, iyon nga ay yung mag-handa. Magready para sa future life. Magready para sa marriage mo. Kung naghihintay ka ng Mr. or Ms. Right, hindi ba mas maganda na ikaw din yung Mr/Ms Right niya? Enjoy your life seasons, sabi nga ng isa kong malapit na kaibigan. Cherish each moments kasi kapag natapos na pagiging single mo at naisip mo na sana naghanda muna ko o sana ginawa ko muna yung mga bagay na to, mahihirapan ka nang makabalik.

At bilang pang-wakas, kung kasama mo si Kristo, walang malamig na Pasko. Tutal at malapit na din ang celebration ng kapanganakan ng ni Jesus, bakit hindi natin sariwain yung totoong dahilan ng pasko na bumaba ang Panginoon para maipanumbalik ang relasyon ng Diyos at Tao. Si Hesus ang patunay na hindi tayo kailanman iiwan ng Diyos kung maniniwala lang tayo sa ginawa Niya sa Krus. Kung paniniwalaan natin si Jesus, tanggapin na makasalanan tayo at tanggapin na wala na talaga tayong pag-asa sa mundong to kundi si Jesus, hinding-hindi na tayo kailanman mag-iisa, kahit wala ka pang gf/bf o kahit asawa.


God bless!

Your Friend,
Jordan

Comments

Popular posts from this blog

Love can wait, but time won't

Love can wait, but time won't. When you spend the rest of your youth seeking, finding and trying to find a partner and not preparing for what's up ahead, you are wasting your time. Yes, you can still enjoy love in the midst of hardships due to unpreparedness, but you can truly enjoy it without too much pain if you could only wait, till time comes when you are ready. There is always time for everything. But if still you wants it harder, nobody can stop you.