October 31 na, malapit na naman ang Pasko, marami na namang maghhashtag SMP o magppost na kasama siya sa SMP o samahan ng malalamig ang Pasko. Marami tayong pwedeng makitang mga dahilan kung bakit single ang isang tao, at karamihan sa mga dahilan na to ang nagtutulak sa kanila na pumasok na lang basta sa relasyon na umaasa na mareresolba ng pakikipagrelasyon ang mga masasabi nating kakulangan nila. Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit single ang isang tao at samahan niyo ko na ipakita yung mga tamang solusyon dito na karamihan ay hindi pagpasok sa relasyon ang sagot: 1. Pangit kasi ako, maitim o mataba (Physical Appearance) Wala kasing nagkakagusto sakin, wala kasing nanliligaw sakin, walang nagpaparamdam, hindi nila ko type o kaya naman walang sumasagot sakin, lagi akong basted, walang gustong pumatol sakin, lahat ng ng negatibo na naisip ng isang tao tungkol sa sarile nasabi na. Ang itim ko kasi, kaya ang daming nagpapaputi ngayon. Ang taba, ang payat, at pandak, kaya madami...
Comments
Post a Comment